Pahayag sa Pangangalap ng Datos at Mga Tuntunin ng Paggamit
(Terms and Agreement)
Alinsunod sa General Data Protection Regulation (GDPR)ng European Union
Para sa mga Pilipinong Nars sa Rehiyong Nordiko
Alinsunod sa General Data Protection Regulation (GDPR)ng European Union, kami ay nagsusulong ng malinaw at makatarungang pagproseso ng inyong personal na impormasyon. Ang inyong datos ay kokolektahin, itatala, at iingatan para sa mga layuning nakasaad sa ibaba, alinsunod sa batas ng EU at iba pang umiiral na lokal na regulasyon sa proteksyon ng datos.
SAKLAW NG DETALYE
Layunin ng Pagproseso
Ang impormasyong inyong ibibigay ay gagamitin lamang para sa mga sumusunod:
Mga lehitimong layunin ng komunidad;
Pang-emerhensiyang paggamit gaya ng biglaang pagpanaw;
Pananaliksik at estadistikang layunin na makatutulong sa pag-unawa sa kalagayan ng mga Pilipinong nars sa rehiyon;
Pakikilahok sa mga adbokasiya at pagkakaroon ng kolektibong boses sa harap ng mga gumagawa ng patakaran.
Saklaw ng Datos
Ang mga datos na maaaring kolektahin ay maaaring kinabibilangan ng:
Pangalan
Kasarian
Bansa ng paninirahan
Detalye sa propesyon (hal. lisensya, karanasan)
Detalye sa pakikipag-ugnayan (telepono, email)
Iba pang kaugnay na impormasyon, alinsunod sa layuning nabanggit
Karapatan ng Mga Indibidwal
Alinsunod sa GDPR, kayo ay may mga sumusunod na karapatan:
Karapatang malaman kung paano ginagamit ang inyong datos
Karapatang humiling ng kopya ng inyong datos
Karapatang itama o tanggalin ang inyong datos
Karapatang bawiin ang pahintulot anumang oras
Pagpapanatili ng Kumpidensyalidad
Ang lahat ng datos ay ituturing na kumpidensyal at hindi ipapamahagi sa hindi awtorisadong panig. Ang impormasyon ay itatago lamang sa loob ng makatuwirang panahon para sa layunin ng pag-aaral at adbokasiya, maliban kung kinakailangang panatilihin batay sa batas.
Sa pamamagitan ng pagpapatuloy at pagbibigay ng inyong datos, kinikilala ninyong nabasa, naunawaan, at sumasang-ayon kayo sa mga tuntunin ng paggamit ng impormasyon, alinsunod sa GDPR at iba pang naaangkop na batas.
Paalala:Kung nais ninyong bawiin ang inyong pahintulot o may karagdagang katanungan ukol sa paggamit ng datos, maaari kayong makipag-ugnayan sa info@filnan.com.