The Filipino Nurses Association in the Nordic Region

9.10.2020


Ano ang dapat gawin kapag hindi makatarungan ang sweldo ng inyong employer sa Finland?

Makipagnegosasyon at magsalita


“Ang una mong gawin bilang isang migranteng nars ay siguraduhing alam mo ang pinipirmahan mong kontrata at ito ay naaayon sa batas ng bansa na iyong pinagtatrabahoon. Sa Finland, kapag nagkaproblema ka sa sweldo, makipag-usap agad sa accountant kung saan may problema. Marapat ding alamin kong magkano ba talaga ang totoong sweldo ng isang nars."




Sanay tayong mga Pilipino sa "tahimik" at "mataas na respeto" na kultura kaya kapag tayo ay nangimbang bansa nadadala natin ito sa ating pinagtatrabahoan. Ito ay magandang pag-uugali sa ilang pagkakataon ngunit hindi kong ang isyu ay patungkol sa sweldo, diskriminasyon at rasismo. Ano ang dapat mong gawin?


1. Tingnang mabuti ang nakasaad sa kontrata at sa kung ano ang nakasaad sa pay slip (PALKKALASKELMA). Ang palkkalaskelma ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng post o makikita diretso sa banko (Palkkatiedot) gamit ang e-identification (PANKKITUNNUS).


2. Tawagan ang accountant/clerk for wages (PALKANLASKIJA) at klaripikarohin kung bakit iba ang nakasaad sa papel.


3. Ang differentials (LISÄT) ay binabayaraan depende sa sistema ng employer. Minsan ito ay binabayad pagkatapos ng buwan o sa susunod na buwan kasama ang basic salary (PERUSPALKKA).


4. Ang lahat ng linggo at holidays sa Finland ay DOUBLE PAY. Hindi pa kasama ang PM Shift (Iltavuoro) at Graveyard (Yövuoro). Meron ding overtime (YLITYÖ) at tsaka sabado (lauantailisät). Meron ding tuplavuoro (double shift) at hälytysraha (call-out pay).


5. Huwag pumayag na ito ay "kiitos"! Huwag matakot na ipahayag ang saloobin sa makatarongang paraan dahil IKAW AY PROTEKTADO NG COLLECTIVE BARGAIN AGREEMENT (KVTES) na protektado sa SALIGANG BATAS NG FINLAND.



Ang mga nurses sa Finland ay sakop ng KVTES agreement at iba pang agreement kagaya ng YTES. Ang buong impormasyon ay makikita sa www.kt.fi sa lenggwaheng FINNISH AT SWEDISH.


Basi sa website ng Finnish Immigration services. Ang hindi makatarungang pagbayad ng sweldo sa empleyado ay maaraing makonsiderang pagkakasala sa batas.


"If you are not paid an appropriate salary (at least the minimum wage you are entitled to, or the salary stated in your employment contract) or if you are given work shifts that are too long, perhaps without appropriate breaks, your employer may be committing a crime. You may report the matter to the police or the occupational safety and health authorities (Maahanmuuttovirasto/Migrationsverket/Finnish Immigration Services 2020).